Wed, 21 Oct 2020

Vizcaya, tumanggap ng bigas mula China

Philippine Information Agency
22 Sep 2020, 16:38 GMT+10

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Sept. 22 (PIA) - Tumanggap ng libreng bigas ang lalawigan mula China kamakailan bilang tulong para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa lalawigan.

Ani Governor Carlos Padilla, malaki ang pasasalamat ng lalawigan dahil sa ibinigay na ayuda ng Consulate of the People's Repbulci of China na base sa Laoag City na pinangunahan ni Consul Zhou Youbin.

Ayon kay Governor Padilla, 10 tonelada o 5000 packs na tig-dalawang kilo ang bawat isang sako ng premium rice ang tinanggap ng provincial govenrment mula sa PROC.

"Kami ay nagpapasalamat sa China dahil sa tulong na kanilang ibinigay sa atin. Ang mga tulong na ito ay gagamitin para sa pagbibigay ng food relief sa mga nangangailangan at para sa COVID-19 response," pahayag ni Governor Padilla.

Aniya, kasalukuyan ngayong hinaharap ng mga ilang local government units sa lalawigan ang pagtaas ng COVID-19 cases kung saan sumailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang bayan ng Solano dahil dito.

Gaya ng Solano, nangangailangan din ang ibang bayan ng ayuda at dito kailangan ang donasyon ng China upang matugunan ang kulang na pondo ng mga LGUs na nakikipaglaban sa COVID-19.

"Ang donasyon ng China ay ibibigay sa mga lubos na naghihirap at nangangailangang barangay dahil sa hinaharap na pandemya ng COVID-19," dagdag ni Governor Padilla. (MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)

More China News

Access More

Sign up for China News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!