Tue, 07 Apr 2020

Tagalog News: 19 crew ng 4 na Vessel mula China, negatibo sa COVID-19

Philippine Information Agency
19 Feb 2020, 12:38 GMT+10

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Pebrero 19 (PIA) - - Nag-negatibo sa sintomas ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang labing pitong crew ng apat na Chinese Vessels na nakadaong ngayon sa pantalan ng bayan ng Aparri.

Ayon kay Governor Manuel Mamba, binigyan na ng clearance ng mga quarantine officials ang siyam na Chinese national at walong Pinoy na crew ng mga cargo vessels na nagmula sa Hunan, China.

Paliwanang ng gobernador limang buwan na sa Pilipinas ang nasabing mga crew na unang nai-qauarantine ng limampung araw sa Sta Cruz, Zambales.

Samantala, sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) noong Pebrero 17 [9:00 AM], walong patients-under-investigation (PUIs) mula sa mga bansang Hongkong at Taiwan ang nag-negatibo rin sa nasabing virus

Sa pinakahuling surveillance report ng DOH region 2, siyam na lamang ang PUI sa Cagayan Valley. Ang laboratory test ng natitirang isang PUI ay inaantay pa.

Ayon kay DOH Regional Director Rio Magpantay nananatiling zero confirmed case ang rehiyon dos.

"Bumababa na ang ating PUIs at tiwala akong malalampasan natin ito. Marami tayong natututunan at marami pa tayong pwedeng i-improve sa pag-adress ng mga katulad na mga sakit," ani Magpantay.

Noong February 13, naglabas din ang DOH ng resulta ng laboratory tests ng mga PUIs sa rehiyon kung saan pito sa sampung PUIs ang nagnegatibo habang wala pang resulta ang nalalabing tatlo. Noong biyernes naman ay labing dalawa sa labing tatlong PUIs ang nag-negatibo rin at ang isa ang wala pang resulta.

Patuloy din nitong pinaaalalahanan ng DOH ang lahat ng mga mamamayan na maging responsable sa tamang pagabibigay ng impormasyon ukol sa COVID-19. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)

More China News

Access More

Sign up for China News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!